Tuesday, February 22, 2005

February Aftermath

---------------
---------------

Matapos kong ayusin sa isang linggo ang submission ng mga papeles (literally from Melchor Hall- to EEE Dept- to OUR) pagala-gala na naman ako sa Peyups...

Aftermath ng UP FAIR, kaya medyo madumi ang Sunken Garden. At sa nagdaang linggo, marami tayong kakilala na nag-Valentine's Week sa Fair, merong mag-isang nagluksa at meron 'ding napaaga ang Holy Week ala Biyernes Santo (kasama na ako).

Pagpasok pa lang ng jeep galing Philcoa, napapansin kong may tsikot na mistulang AD board ang hood--- sinisita ng mga guwardya sa may gate.

Aba, may Motorshow pala ngayon sa AS Parking Lot. Pero yung mga nakadisplay, medyo hindi rin naman masyadong impressive. Totoo. Mas suwabe pa nga yung mga tsikot ko na customized. Honda Civic, Porsche, at yung Ferrarri ko na may itim na ninja na naka-samurai at nag-aapoy ang mga mata sa bandang kaliwa ng hood. Nasa computer nga lang. =P Nagawa ko mula sa nakaka-addict at immortal PC Game na NFS Underground. hehehe

Kung meron lang sanang chicks + models + hot mamas na kasama sa Motorshow na yun, baka magdalawang isip pa ako at makisawsaw doon...

---------------
---------------


Miss ko na siya.

Sobra.

Ngayong nandito na ako sa Maynila, baka mahanap ko siya.

Nung nasa probinsya kasi ako, siya lang talaga ang nagpaligaya at nagpakulay sa mala-Black & White television kong mundo. Sya ang nagdala ng panibagong sigla at panibagong SPICE sa buhay ko.

At ngayong nalalapit na naman akong umuwi, naisip kong baka doon ko na lang sya hanapin. Kahit saang lupalop ng Pilipinas ikaw ay mapadpad, wala nang tatalo sa lakas ng kapangyarihan ng misteryosong Compass kung saang direksyon ka niya ituturo. Puso ang tawag nila dito. Akalain mo, ngayon ko lang napag-isipan na magkasingkahulugan pala ang Puso at ang Compass 'pag pinag-usapan na natin ang kanilang silbi sa tao.

Ngayon, naiintindihan ko na ang nararamdaman ni kuya Gerry noon.

Siya na nga ang bagong addiction ng bayan...

Siya si BOY BAWANG--- ang Genetically-Modified na chichacorn!!!



image copyright & owned by Gerry Alanguilan


---------------
---------------

0 Comments:

Post a Comment

<< Home