[ a wicked month ]
pebrero
may naghahanap; may nangangahas
merong nagtatago, at may umiiwas
sa panahong hiinihintay na magwakas
may nagdarasal sa maagang paglipas
mistulang damo
na noo'y nagniningas
ngayo'y ugat at abo
ang maiiwang bakas
may naglalakbay sa tulay ng buhay
pagdating sa gitna ay magninilay-nilay
may mga naglalakad hawak-kamay
ang iba nama’y luha na lang ang karamay
may nagbibilang ng mga tala
habang nakaupo sa bubong ng bahay
nagtatanong kay Bathala
kung ba’t puso ay nananamlay
kunwari ang iba’y ‘di namamansin
kahit naaalala ka pa rin
iba nama’y maglalakbay saan man abutin
makalimutan lang ang kinikimkim
ngunit ‘di mo maiiwasang sabihin
sa sandaling gusto nang iparating
magkukumahog kung pa’no aaminin
at ang kumag na dati’y hirap sa pagtula
ngayon ay malupit sa pagiging makata
hirap man daw sa pagkanta
ngayo’y pipiliting maging bokalista
para lang lumigaya ang isang dalaga
kakayanin man maging rasta o rakista
basta’t may armas na tambol o gitara
sadya ngang ganito ang buhay pare ko
nagbibilang ka man ng poste, o abala sa trabaho
kapiling man siya o nasa malayo
basta’t may 1 message received sa telepono
bumibilis agad ang pintig ng iyong puso
mga kapatid, kaibigan, kakosa, at ka-tribo,
lahat tayo’y nagiging makulay kung di mo pa tanto
dahil minsan lang natin nararanasan ito
at anuman ang mangyari'y handang mabigo
‘pagkat sumapit na naman po
ang dakilang buwan ng Pebrero
the Compass is alive!!! Hapi Valentine's Month, people!!! Make Love not War. Kung 'di puwede ang Love, kahit Peace na lang...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home